Social Media Restrictions for Kids Expand as France Passes New Law
France is now the first European Union country to pass a law restricting social media use among young children. Will more countries follow?
Mas humahaba na ang listahan ng mga bansang naghihigpit sa paggamit ng social media ng mga bata.
Pinakabago rito ang France, na nagpasa ng batas na magbabawal sa mga batang 15 years old pababa na magkaroon ng social media accounts.
Suportado ito ni French President Emmanuel Macron, na nagsabing handa na niyang pirmahan ang panukalang batas.
“Social networks will be banned for those under 15 at the start of the school year,” ani Macron sa kanyang social media accounts.
Dahil dito, ang France ang kauna-unahang bansang miyembro ng European Union na nagpasa ng ganitong uri ng social media restriction.
Dumaraming bansa ang naghihigpit sa social media
Hindi lang France ang kumikilos para limitahan ang social media access ng mga menor de edad.
Noong nakaraang taon, ang Australia ang unang bansa sa mundo na nagpasa ng batas na magre-restrict ng social media para sa mga under 16. Naging inspirasyon ito ng iba pang bansa para gumawa rin ng sarili nilang mga polisiya.
Narito ang ilan sa mga bansang nagpasa o pinag-aaralan ang kaparehong hakbang:
- United Kingdom – Inanunsyo ng gobyerno ang planong ipatupad ang social media restrictions simula 2027.
- Indonesia – Nagpatupad ng restrictions para sa minors at mas mahigpit na age verification.
- Malaysia – May mga panukalang batas para palakasin ang online safety ng mga menor de edad.
- Turkey – May social media restrictions para sa mga 16 years old pababa.
- China – May limitasyon sa oras ng paggamit ng social media at online gaming para sa mga kabataan.
- Brazil – Ang social media accounts ng mga under 16 ay kailangang naka-link sa kanilang mga magulang.
- Denmark – May panukalang batas na kasalukuyang dinidinig sa parliament.

Susunod na ba ang Pilipinas?
Sa pagdami ng mga bansang nagpapatupad ng social media restrictions, maraming nagtatanong kung susunod na rin ba ang Pilipinas.
May mga panukala na ring inihain ng ilang mambabatas, kabilang sina Senate President Sherwin Gatchalian at Senator Panfilo Lacson, na naglalayong higpitan ang paggamit ng social media ng mga menor de edad.
Gayunman, hindi pa ito umuusad sa Kongreso dahil may mga concerns at rekomendasyon pang inilalatag ng iba’t ibang stakeholders.
Frequently Asked Questions
France has passed a law that will restrict children under 15 from accessing social media platforms, making it the first European Union country to adopt such a measure.
Australia has approved legislation that restricts access to social media for children under 16, making it one of the strictest policies in the world.
Supporters say restrictions can help reduce cyberbullying, exposure to harmful content, online exploitation, and excessive screen time while encouraging healthier digital habits.
Related Stories
Packing a bento box doesn't have to be complicated—these simple ideas can help make lunchtime nutritious, fun, and stress-free
From sports clinics to quiet afternoons at home, families are redefining what summer should look like
Talking openly about sex and relationships may feel uncomfortable at first, but it can strengthen trust between parents and children over time
Letting go of perfectionism can help moms create healthier relationships with both themselves and their children