Civil Wedding sa Quezon City: Requirements, Steps, at Magkano ang Gastos?

Plano n'yo na ba na i-seal ang road to forever ng partner mo? Kung gusto n'yong magpakasal nang simple at hindi masyadong magastos, puwedeng maging magandang option ang civil wedding

Bookmark (0)
Please login to bookmark Close

Kung updated kayo sa showbiz, malamang alam n’yo na ikinasal na sina Bea Alonzo at ang kanyang nobyo na si Vincent Co sa isang intimate civil wedding sa Makati. Si Makati Mayor Nancy Binay ang nag-officiate ng kasal, at ilang malalapit na tao lang ang nakasaksi.

Hindi na bago ang civil wedding, lalo na sa mga couples na gusto ng simple at practical na seremonya. At kung taga-Quezon City kayo, mas magandang balita dahil puwede kayong magpakasal sa city hall nang hindi kailangang gumastos nang malaki.

Kung ready na kayong mag-level up ng inyong relationship, narito ang mga requirements at steps para sa civil wedding registration sa Quezon City.

Check ang general requirements

Ayon sa Quezon City Local Government, ito ang mga kailangang ihanda ng bride at groom:

  • Dalawang (2) kopya ng Marriage License Application Form (available sa website ng Quezon City)
  • Birth Certificate o Baptismal Certificate ng bride at groom
  • Original Certificate of No Marriage Record (CENOMAR) mula sa Philippine Statistics Authority (PSA) para sa bawat isa
  • Certificate of Family Planning mula sa Quezon City Health Department
  • Isang (1) 2×2 ID photo ng bride at groom
  • Barangay Residency Certificate (kung walang valid ID na may Quezon City address)
  • Community Tax Certificate o Cedula (kung walang valid government-issued ID)
  • Valid government-issued ID ng bride at groom

May additional requirements depende sa edad

Para sa 18 hanggang 20 years old:

  • Signed Consent of Parent o Guardian (Form 92) mula sa Marriage Registration Division

Para sa 21 hanggang 25 years old:

  • Signed Sworn Statement that Advice of Parents or Guardian Has Been Asked (Municipal Form No. 7)
  • Advice Upon Intended Marriage (Municipal Form No. 8)
  • Certificate of Marriage Counseling mula sa Social Services Development Department

Kung isa sa ikakasal ay foreign national, may hiwalay ding listahan ng requirements na makikita sa website ng Quezon City.

Magkano ang gastos?

Isa sa mga dahilan kung bakit maraming couples ang pumipili ng civil wedding ay dahil budget-friendly ito. Sa Quezon City, ang registration fee ay hindi umaabot sa ₱2,000, kaya malaking tipid kumpara sa mas malalaking wedding ceremonies.

Isang paalala bago ang kasal

Bago pumunta sa city hall, siguraduhing kumpleto ang lahat ng requirements para maiwasan ang aberya sa inyong application.

Pero higit sa lahat, tandaan na ang kasal ay hindi lang tungkol sa requirements o gastos. Isa itong lifelong commitment, kaya mahalagang pareho kayong handa—hindi lang sa inyong wedding day, kundi pati sa buhay na bubuuin ninyo bilang mag-asawa.

Frequently Asked Questions

Kabilang sa mga pangunahing requirements ang Marriage License Application Form, PSA CENOMAR, Birth Certificate, valid IDs, Certificate of Family Planning, at iba pang supporting documents depende sa inyong edad at status.

Oo. Kung ang bride o groom ay 18 hanggang 20 taong gulang, kailangan ng signed parental consent. Para naman sa 21 hanggang 25 taong gulang, kinakailangan ang parental advice at marriage counseling certificate.

Makukuha ang Marriage License Application Form sa Marriage Registration Division o sa opisyal na website ng Quezon City.

Siguraduhing kumpleto ang lahat ng requirements at valid ang inyong mga dokumento. Bukod sa legal requirements, mahalaga ring handa ang parehong ikakasal sa responsibilidad ng pag-aasawa.

Subscribe
Notify of
guest
0 Comments

Related Stories

The Loyalty Game explores the world of loyalty checkers.

These celebrity fathers are embracing one of life’s biggest roles this year

Many solo parents juggle work, childcare, chores, and emotional labor all at once, making burnout a very real challenge

Healthy communication at home can help teens better understand respect, boundaries, and relationships

To provide a customized ad experience, we need to know if you are of legal age in your region.

By making a selection, you agree to our Terms & Conditions.