Sabi nga nila, trust is the foundation of every relationship. Pero paano kung may kutob kang may itinatago ang partner mo? Hindi naman agad cheating ang iniisip mo—baka may sikreto lang siyang hindi masabi.
Ito ang intriguing premise ng The Loyalty Game, ang bagong series na streaming ngayon sa Prime Video.
Umiikot ang kuwento kina Ben (Jericho Rosales) at Ana (Janine Gutierrez), isang mag-asawang mukhang picture-perfect sa paningin ng iba. Pero sa likod ng masayang pagsasama nila, may mga lihim na unti-unting nabubunyag.
Nagsimula ang lahat nang magising si Ana isang gabi at mapansing wala si Ben sa tabi niya. Ipinaliwanag ni Ben na nasa tabi lang naman siya buong gabi—pero nang makita ni Ana ang lupa sa kanyang damit, napaisip siya kung panaginip lang ba talaga ang lahat.
Dahil sa pagdududa, nagpasya siyang mag-hire ng isang loyalty tester para malaman kung may tinatago nga ba ang asawa niya. At dito na nagsimulang umikot ang mas malalim na kuwento.
Ano nga ba ang loyalty tester?
Sa talkback pagkatapos ng premiere ng unang episode, ibinahagi ni Director Mae Cruz Alviar kung saan nanggaling ang konsepto ng loyalty testers.
Ayon sa kanya, totoong phenomenon ito sa Pilipinas at nagmula ang ideya sa research ng mga writer.
“Phenomenon siya dito sa Pilipinas. According to our writers, sila ang nag-research nito. Based ito sa mga loyalty testers online at naging laganap noong pandemic dahil maraming naghahanap ng extra hustle,” ani Alviar.
Pero nilinaw rin ng creative team na hindi ito simpleng kuwento tungkol sa pangangabit. “They are humans. May kuwento sila. What you see on the surface is someone who hustles. But beyond that person is someone who is struggling. At very relatable ang mga personal stories nila dahil sinasalamin nito ang tunay na buhay,” dagdag niya.
“It’s not about a mistress. It’s about testing someone’s loyalty.”
Ayon pa kay Alviar, bawat loyalty tester ay may sariling pinagdadaanan at hindi nila inaasahan ang mga panganib na maaaring kaharapin sa kanilang trabaho. May mga boundaries din silang sinusunod, ayon sa Star Creatives team.
Dagdag naman ni writer at director Ian Lorenos, hindi rin ito isang kabit story.
“This is not a kabit story or a prostitution story. It’s about the lives of these loyalty testers. Aside from trying to earn through a side hustle, they also live a secondary life. Parang escape rin nila ito from their everyday struggles.”
Screenshot from Prime Video
Ang mga kuwento sa likod ng mga loyalty tester
Para sa cast, mas naunawaan nila ang mundo ng loyalty testers habang ginagawa ang serye.
Si Yen Santos, na gumaganap bilang Diane, ay isang single mom na ginagawa ang pagiging loyalty tester para masuportahan ang therapy at treatment ng kanyang anak na nasa autism spectrum.
Lahat ng choices ni Diane ay galing sa pagmamahal niya sa anak niya. Gagawin niya ang lahat para makahanap ng extra income at maibigay ang pangangailangan ng anak niya,” ani Yen.
Samantala, si Elisse Joson, na gumaganap bilang Bridget Tangcoy, sinabi na malaking tulong ang research ng production team sa pagbuo ng kanyang karakter.
“We really had to learn more about our characters. Bukod sa sarili kong role, sinubukan ko ring intindihin ang mga co-loyalty testers ko kasi iba-iba kami ng pinanggagalingan.”
Handa ka na bang silipin ang mundo ng mga loyalty tester?
Alamin ang kanilang mga kuwento sa The Loyalty Game, streaming ngayon sa Prime Video.
Frequently Asked Questions
The Loyalty Game follows married couple Ben and Ana, whose seemingly perfect relationship is shaken when Ana begins to suspect that her husband is hiding something. She hires a loyalty tester to uncover the truth, setting off a series of unexpected events.
The series stars Jericho Rosales, Janine Gutierrez, Yen Santos, Elisse Joson, and other notable actors.
A loyalty tester is someone hired to see whether a person’s partner will remain faithful or be tempted into cheating. In The Loyalty Game, the role goes beyond testing relationships by exploring the personal lives and struggles of the testers themselves.
Yes. According to director Mae Cruz Alviar, the show’s concept was inspired by real-life loyalty testers in the Philippines, particularly those who became more visible online during the pandemic.
The Loyalty Game is streaming exclusively on Prime Video.
Vice Ganda and Vic Sotto's long-awaited first movie together, The Greatest Showdown, headlines the first four official entries to this year's Metro Manila Film Festival (MMFF).
Dating as a parent can feel daunting, but remember that it's okay to prioritize your own happiness alongside your children's needs. Taking the time to nurture your own relationships can model healthy love and respect for your kids. Just be open, honest, and take things at a pace that feels right for you and your family.