Child Safety Against Gun Violence Act: Mga Dapat Malaman ng Parents

Naghain ang Akbayan Partylist, sa panguguna ni Cong. Chel Diokno ang panukala House Bill 10058 or Child Safety Against Violence Act para protektahan ang mga bata

Bookmark (0)
Please login to bookmark Close

Bilang magulang, gusto lang naman natin na ang school ang maging pangalawang safest place ng mga anak natin, kasunod ng bahay. Kaya naman nakakaalarma at nakakalungkot ang sunod-sunod na balita tungkol sa karahasan sa ilang paaralan.

Kamakailan, naghain ang Akbayan Party-list, sa pangunguna ni Cong. Chel Diokno, ng House Bill No. 10058 o Child Safety Against Gun Violence Act. Layunin nitong mas maprotektahan ang mga bata laban sa gun-related violence at gawing mas ligtas ang mga paaralan.

Bakit ito inihain?

Isa sa mga insidenteng ikinabahala ng maraming magulang ay ang pamamaril sa isang paaralan sa Tacloban noong Hunyo. Dahil sa trahedyang ito, nag-anunsyo ang Department of Education (DepEd) na paiigtingin nila ang inspeksyon ng mga bag ng mga estudyante bilang bahagi ng pagpapalakas ng school security.

Kasabay nito, ilang mambabatas ang naghain ng mga panukalang batas na nakatuon sa kaligtasan ng mga bata sa loob ng mga paaralan. Isa na rito ang House Bill No. 10058.

Ano ang nilalaman ng Child Safety Against Gun Violence Act?

Kung maisasabatas, kabilang sa mga pangunahing probisyon ng panukala ang:

  • Gawing Gun-Free Zones ang lahat ng paaralan.
  • Mas mahigpit na ipagbawal ang paghawak ng baril ng mga menor de edad.
  • Magkaroon ng mas malinaw na pananagutan ang mga iresponsableng gun owners at mga magulang na nagpabaya.
  • Palakasin ang security measures sa loob ng mga campus.
  • Pagbutihin ang emergency response systems para sa mas mabilis na aksyon sakaling magkaroon ng insidente.
  • Magtalaga ng Safety Officer at Safety Committee sa bawat paaralan.
  • Palawakin ang access sa mental health support at early intervention programs para sa mga estudyante.

Ayon sa Akbayan, layunin ng panukalang ito na matiyak na ang paaralan ay mananatiling isang ligtas na lugar para matuto—at hindi isang lugar na kinatatakutan ng mga bata.

Bakit mahalaga ang panukalang ito?

Sa panahon ngayon, hindi maiiwasang mag-alala ang mga magulang sa kaligtasan ng kanilang mga anak habang nasa school. Bagama’t hindi kayang solusyunan ng iisang batas ang lahat ng uri ng karahasan, malaking hakbang ang pagkakaroon ng mas mahigpit na polisiya para maiwasan ang gun-related incidents.

Sa huli, ang bawat bata ay may karapatang matuto sa isang ligtas na kapaligiran. At bilang mga magulang, iyon din ang isa sa pinakamahalagang peace of mind na maibibigay sa atin ng mas matibay na child safety measures.

Frequently Asked Questions

The Child Safety Against Gun Violence Act (House Bill No. 10058) is a proposed law that aims to strengthen the protection of children against gun-related violence, particularly in schools.

The bill was filed by the Akbayan Party-list, led by Cong. Chel Diokno.

The proposal comes amid growing concerns over incidents of violence in schools and aims to strengthen safety measures to better protect students.

The Department of Education has already announced stricter security measures, including enhanced bag inspections in schools. Specific procedures will continue to follow DepEd guidelines and existing policies.

Subscribe
Notify of
guest
0 Comments

Related Stories

The National Council for Disability Affairs (NCDA) has partnered with TikTok Philippines to make it easier to report content that mocks Persons with Disabilities (PWDs).

Helping children navigate social media starts with teaching them to think critically, verify information, and understand the consequences of what they share online

Because raising creative kids also means permitting ourselves to stay curious, playful, and open to growth

Strength is praised in parenting, but rarely do we talk about its hidden cost

To provide a customized ad experience, we need to know if you are of legal age in your region.

By making a selection, you agree to our Terms & Conditions.