4 Ways to Stay Active Without Spending
Hindi mo kailangang gumastos para maging active. Here’s how
Alam naman natin na importante ang regular na movement para maging healthy at lumakas ang katawan. Pero aminin natin—hindi lahat ng parents may oras o budget para mag-gym o mag-enroll sa fitness classes.
The good news? Hindi mo kailangan ng expensive membership para makapag-exercise. Maraming simpleng paraan para manatiling active kahit busy ang schedule at tipid ang budget.
1. Gawing workout ang house chores
Maniwala man o hindi, ang mga household chores ay magandang form of exercise. Ang pagwawalis, pagmo-mop, paglalaba, o kahit pag-aayos ng mga gamit sa bahay ay nakakapagpagalaw ng buong katawan.
Bonus pa? Malinis na ang bahay, nakapag-workout ka pa.
2. Magpatugtog at sumayaw
May Spotify, YouTube, o kahit radyo? Magpatugtog ng paborito mong upbeat songs at sumayaw lang. Hindi mo kailangang maging professional dancer—ang importante ay gumagalaw ka at nag-e-enjoy.
Mas masaya pa kung isasama mo ang mga kids. Instant family bonding na, instant cardio pa!
3. Maglakad o mag-jog sa village
Isa sa pinakamadaling paraan para maging active ay ang paglalakad o pagjo-jog sa village o sa paligid ng inyong lugar. Kahit 30 minutes lang bawat araw, malaking tulong na ito para makapag-burn ng calories at mapabuti ang overall health.
Dagdag pa rito, magandang pagkakataon din ito para makapag-relax at magkaroon ng kaunting “me time” mula sa araw-araw na responsibilities.
4. Gumamit ng mga bagay na nasa bahay
Hindi kailangan ng mamahaling gym equipment para makapag-workout. Puwedeng gawing dumbbells ang mga water bottles o gallon containers. Ang hagdan sa bahay ay puwedeng gamitin para sa step exercises.
At kung may maliliit kang anak, alam mo bang ang pagbubuhat at pakikipaglaro sa kanila ay workout na rin? Practical na, quality time pa.

Every little movement counts
Hindi kailangang maging komplikado o magastos ang pagiging active. Ang mahalaga ay makahanap ng paraan para regular na gumalaw, kahit sa loob lang ng bahay o sa paligid ng inyong komunidad.
Kapag inaalagaan mo ang sarili mong health, mas may energy ka ring alagaan ang buong pamilya. At minsan, ang pinakamagandang workout ay iyong madaling gawin at kayang i-maintain araw-araw.
Frequently Asked Questions
Yes. You don’t need a gym membership to stay active. Daily activities like house chores, walking, dancing, and using household items for exercise are effective ways to keep moving.
Experts recommend at least 30 minutes of moderate physical activity on most days. This can be done through walking, household chores, dancing, or other activities that get your body moving.
Yes. Activities such as sweeping, mopping, vacuuming, gardening, and carrying laundry help burn calories and improve strength and endurance.
You can dance to your favorite music, follow free workout videos online, use water bottles as light weights, do bodyweight exercises, or walk up and down the stairs.
Walking is one of the easiest and most effective forms of exercise. A brisk 30-minute walk can help improve heart health, boost your mood, and increase your daily physical activity.
Related Stories
Hindi kailangang biglaan ang pagbabago—start small, stay consistent, and slowly build a healthier home for your family